@byahxy_: STORY 4 | Pov : Magkatabi kayo ng condo ni Jeo na palaging tahimik at nakakasalubong mo tuwing aalis at uuwi ka, not knowing na sya pala yung boss ng company na pinapasukan mo. (2/?) Maaga palang gising nako para magasikaso sa pagpasok. Mas maaga kong inihanda ang alarm ko, para makapasok ako ng mas maaga kesa sa boss ko. Dali dali akong lumabas ng condo, kahit basa pa ang buhok ko. Hindi paman ako nakakalapit ng husto sa elevator, nakita ko nanaman yung lalaking palagi kong nakakasalubong. Dali dali akong pumasok sa loob bago pa masarahan. Sa loob, tahimik lang, walang gumagawa ng kahit anong ingay, tanging ang naghahabol hininga ko lang. Sya sa tabi ko, parang CEO na masungit, parang wala ako sa tabi nya, nakatingin lang ng deretso. Pagbukas ng elevator, sabay kaming humakbang para lumabas. Nagkatinginan kami saglit, yung mata nyang parang mananapak, seryosong seryoso. Napaatras ako, tsaka sya lumabas ng tuluyan at iwan akong mag isa. Yn :"sungit talaga!" dabog ko sa loob. Pagpasok ko sa building, sinalubong agad ako ng mga staff. "good morning, Yn" masiglang bati nya. Yn :"good morning po" Tumingin ako sa oras, sobrang aga ko pa. Imposibleng nandito na sya ng ganon kaaga. Akmang papasok na'ko sa elevator ng building, ng biglang magsalita ang isang staff. "Yn, sira daw yan eh" Napatigil ako. "sa hagdan ka nalang muna dumaan" dagdag nya. Kumunot ang noo ko. Hagdan lang, hanggang 5th floor? Tinitignan ko palang ang hagdan, pagod agad ako. Huminga ako ng malalim bago simulan ang pagakyat. Sa huling hagdan, para akong sabog na pawisan. Napatingin ako sa orasan. Yn :"hindi pa late, siguro wala pa sya" Nagsimula akong maglakad patungo sa office nya, pero agad akong napatigil ng biglang bumukas ang elevator. Lumabas doon ang ilang empleyado. Napataas ang kilay ko. Yn :"akala ko ba sira" bulong ko. Parang bigla akong nawalan ng lakas, nagsayang lang ako ng oras at pagod. Tinawag ko ang ilang empleyado, dahilan para mapatigil sila sa paglalakad. "yes?" tanong nila. Yn :"akala ko ba sira yan" turo ko sa elevator. Nagkatinginan sila. "ha? sino nagsabi?" Yn :"yung staff sa baba" "hindi yan sira, tignan mo nga oh, ayos na ayos pa" Napatingin ako sa elevator na umaandar pa. Yn :"oo nga" bulong ko. Naglakad ako patungo sa office ng boss ko. Walang gana, pagod. Pagdating ko sa harap ng office nya, saradong sarado ulit. Hindi na'ko nagdalawang isip na kumatok. Yn :"Sir? nandyan napo ba kayo?" Walang sumagot. Yn :"Sir?" Wala parin. Yn :"Sir, wala po ba kayong iuutos? sasabihin? ipapagawa?" sunod sunod kong tanong. Jeo :"wala!" bigla nyang sagot. Yn :"Sir, kahit ano?" pilit ko. Hindi agad sya sumagot. Jeo :"kahit ano?" ulit nya. Yn :"yes, sir" nakangiting sabi ko, sa harap ng pintuan nya. Jeo :"sure?" Kumunot ang noo ko. Yn :"yes po" Jeo :"okay" isang salita. mas magaan. Naghintay ako ng kasunod pero wala na. Kakatok pa sana ako ng biglang tumunog ang phone ko sa bag. Bumungad ang message nya. [ Mr. Ong ] Jeo :"pumunta ka sa office ni domeng, at sakanya ka magpautos" Kumunot ang noo ko. Yn :"baliw bato?" bulong ko. Jeo :"tatawagin kita kung kelan ko gusto" dagdag nya. Humigpit yung hawak ko sa phone ko, sa sobrang inis. Gusto kong sipain yung pintuan nya at sigawan sya. Padabog akong umupo sa couch, nakasimangot, magkadikit ang mga kilay. Ilang minuto lang, nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Nakita ko ang isang malaking lalake, moreno at halatang galit. Deretso syang kumatok sa pintuan ni Sir Jeo. Jeo :"I said umalis ka!" sigaw ni Sir. Kumatok ulit yung lalake. Jeo :"ano ba!" mas malakas pa. Hindi tumigil yung lalake. Jeo :"I said— " sabay bukas nya ng pinto, napatigil sya ng makita nyang hindi ako yung nasa harapan nya. Nanlaki yung mata ko ng makita sya. Yung boss ko at yung lalakeng palagi kong nakakasalubong ay iisa? comsec. #jeoong #makeitvirаl #foryoupage #fypシ゚ #xycba

bea 🫀
bea 🫀
Open In TikTok:
Region: PH
Thursday 20 August 2026 01:11:37 GMT
44166
11042
54
982

Music

Download

Comments

byahxy_
bea 🫀 :
continuetion. . (1/2) . Yn :"ikaw?" napatayo ako, habang nakaturo sa'kanya. . Sabay silang napatingin sa'akin. . Napatakip ako sa bibig, tsaka tumahimik. . Yn :"so— sorry po" . Tahimik sila saglit, bago magtinginan. . Napabuga si Sir Jeo, bago magsalita. . Jeo :"anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong nya. . Domeng :"pinapatawag ka ni daddy" . Jeo :"bakit daw?" . Domeng :"dahil sa scandal na ginawa ng dati mong secretary" madiin nyang sabi. . Napairap sya. . Jeo :"hindi ko kasalanan yon" . Domeng :"pero sayong secretary yon" . Ako sa likod nila, tahimik lang na pasimpleng nakikinig. . Jeo :"bahala kayo" sabay sara ng pintuan. . Si sir domeng, napahawak nalang ng madiin sa ulo, halatang nagpipigil ng inis. . Napatingin sya sa'akin. . Ngumiti ako. . Yn :"morning Sir" bati ko. . Ngumiti sya pabalik. . Mabait naman sya, iba sa kuya nya. . Domeng :"bat ka nandito?" . Hindi pa man ako nakakapagsalita, ng bigla naming marinig ang boses ng boss ko. . Jeo :"Yn!" . Yn :"excuse me po" magalang kong sabi. . Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko syang nakaupo sa office chair nya. . Seryoso. . Sa lamesa nya, tambak ng mga papers. . Yn :"yes sir?" . Tumingin sya sa'akin ng matalim. . Napalunok ako. . Umayos sya ng upo. . Jeo :"since bago kalang at hindi pako ang pumili sayo" tumigil sya. . Jeo :"maasahan kaba?" taas kilay nyang tanong. . Huminga ako ng malalim. . Yn :"yes sir" . Jeo :"matino kaba? at hindi ba problema ang dala mo sa'kin" . Anong tingin nya sakin? antagonist? . Yn :"of course, sir" . Hindi sya nagsalita. . Tinignan ako mula ulo hanggang paa.
2026-08-20 01:13:50
6
ash.pero_di_abo
@ashleology🪐✨ :
rem beh
2026-08-20 02:26:23
1
jasmine_qt04
Hsidhss :
fast-forward, yung magseselos na si ssob
2026-08-20 01:29:00
16
_whut7
🦴 :
sa susunod author mag post ka 2times sa iang araw ah🤨 nakakabitin kase
2026-08-20 15:31:58
3
yurii.ong1
luv_cessy :
paremind puuuu
2026-08-20 05:32:23
1
dia.luv21
dia_who? :
Rem,mowm
2026-08-20 01:20:06
1
rexonflores.zara
Rexonflores zara zaRexon Zar :
jeremiah ong I don't want to see you soon and I
2026-09-19 01:28:52
1
edzelmeaihshhs
mae mae 💓 :
paremmmmm pooo p🙏🙏🙏🙏🙏
2026-08-20 03:51:38
1
5st.barbara
5 :
NEXTTTT
2026-08-20 06:15:20
1
chloeedhelle
️Chloe28 :
Remindd🥰
2026-08-20 03:06:02
1
kieshatotblehbleh
Kie_shvxx? :
Rem po
2026-08-20 03:38:30
1
eksnendc
ry :
remmm
2026-08-20 06:35:43
1
aaliyah.eronico
Aaliyah Eronico :
parem po
2026-08-20 04:44:03
1
zyn_yen0
11:11 :
Remind po
2026-08-20 03:20:18
1
aikaeliey
Chelsea :
remm
2026-08-20 02:42:41
1
vbebegirl_reaaang23
Rea Mae Nemenzo🥀🇵🇭 :
Remmm
2026-08-20 02:57:40
1
itsme_theaaq9
its_theaaq :
Remm
2026-08-20 09:50:11
1
jennicapalomo_
_nicsxiiii :
rem
2026-08-20 03:37:28
2
lianasol26
iya :
rem
2026-08-20 04:04:24
1
veeeiiaaaa
veyang_ :
rem
2026-08-20 02:04:58
1
kareen6565
Kareen :
rem
2026-08-20 23:37:01
1
theycall_me_okayenato
kaye alojado :
pa remind po thanks
2026-08-20 10:16:39
1
veronica.estuche
jeremia ong 💞💓💗 :
i love
2026-09-02 11:22:14
0
ashleynicolefel
💗•~{Cutie ash ash}~•🍓 :
ang pogi mo talaga kuya jeo Ong 🤭🤭🤭🤭 kaya akin ka e h
2026-08-20 04:57:09
1
To see more videos from user @byahxy_, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About