@senbamamalibrengkolehiyo: Walang puwang ang bullying sa paaralan. Nanawagan si Sen. Bam Aquino para sa isang zero-tolerance policy laban sa bullying at agarang pag-uulat ng bawat insidente upang mas mabilis na maprotektahan ang mga estudyante. Hindi dapat matakot ang isang bata na pumasok sa paaralan. Dapat itong maging lugar kung saan sila ay ligtas, nirerespeto, at malayang natututo. #BamAquino #LabanSaBullying #LigtasNaPaaralan #Edukasyon