analie :
G10 na ako neto, tapos may vacation na 1 week so nag plan ako na pumunta sakanila. Nagpaalam ako sa parents ko pero hindi ako pinayagan kasi first travel ko yon tapos 6 hours pa. then hindi ako mapakali kasi gusto ko talaga siyang I surprise, kasi mag ce-celeb kami ng monthsarry namin — 7th monthsarry. So, nakiusap ako kay mama nagpalusot ako na birthday kasi ng mama ng ex girlfriend ko, yes gf. Pinayagan na ako. Hindi alam ng ex gf ko na pupuntahan ko siya, nag message ako sakanha before akong umalis ng bahay na magiginh busy ako ng isang araw at hindi ko siya maa-update. 2 hours na akong na ta-travel medyo kinakabahan ako, ibang kaba. Pero hindi ako mag overthink kasi baka kaba lang dahil magkikita kami. Hindi ako nag online as in. Tapos after 5 hours and a half nakarating na ako sakanila. Kinakabahan ako tapos nasa kapit bahay pa lang nila ako tanaw ko na bahay nila, I saw her with another girl pero akala ko pinsan niya lang. then after that pumunta na ako sakanila, gusto ko siyang yakapin pero sabi niya wag daw so napangiti na lang ako. Her mom asked me if sino raw ako tapos ang sabi niya lang “ah, yan Yung kaibigan ko.” tapos sabi naman ng papa niya “ayusin niyo na kwarto niyo ng gf mo” in ilocano nila sinabi yon. I thought ako yung gf na pinakilala niya pero hindi pala, yung babaeng kasama niya pala. Nanghina tuhod ko gustong gusto ko nang magpalamon sa lupa, gusto kong umuwi agad. Pero dahil andon na ako wala na akong nagawa, sobrang sakit kasi sa harap ko sila nag haharutan, magkatabi sila sa kwarto habang ako nasa sala nila, katabi ko yung ate niya. Hindi ako nakatulog kakaiyak, napansin ng ate niya yon, she asked me pa if totoong kaibigan raw ba ako and I told her the truth, her sister comforted me. Kinaumagahan inaway ng ate niya ex ko pati na rin yung girl, pero parang ako pa yung may kasalanan kasi ba’t raw ako pumunta don ng walang paalam sabi ng ex ko. na shocked yung parents niya and gladly they comforted me pero after that umalis na ako, they insist pa na sila na sasagot ng pamasahe ko pauwi pero sabi ko wag na. Tapos ayown while nasa byahe ako umiiyak ako after that naka received ako ng mga message sa ex ko, nag so-sorry siya pero I blocked her
2026-09-25 10:05:39