ayseng :
I’m tired, i wanna let him go, gusto ko na umalis, gusto ko na siya iwanan. For the context, nagcheat sya sakin dahil nakakasakal at nakakapagod daw yung setup ng relationship namin, magkalivein na kami sa bahay nila, ayaw na daw nya ng laging may nakabantay sa kanya, pagod na daw siyang parang laging may nagbabawal sa mga gusto nyang gawin. Pero idea nya to, siya ang may gusto na maglivein kami kasi ayaw nyang magkalayo kami. After kong malaman na niloloko na nya ako, kinausap ko yung babae at sinabi ko lahat lahat kasi gusto kong malaman nya kung ano na yung pinagdaanan naming dalawa ng lalaking nakakausap nya, gusto kong malaman nya gano na kalalim yung relationship namin but still, hinayaan at pinayagan ko silang dalawa mag-usap pero hiningi kong sabihin saki nung girl kung ano man mapaguusapan nila pero hindi, nagkampihan sila at plinano pang wag sabihin sakin lahat. Pinagkaisahan nila ako. Subrang down ko, 5months ago na at magkasama pa rin kami ng lalaking to dahil napagisipan nyang hindi nya pala kaya ng wala ako. Nagpapaalam na akong umalis at nakikipaghiwalay ng maayos after kung mag-makaawa at umiyak ng ilang beses sa harapan nya, hindi siya pumayag at sinabing hindi nya kaya kaya nakipag-ayos ako, akala ko okay na kami pero hindi. Inulit nya ulit, this time ibang babae naman, parehas sila, meron siyang ako while may bf rin yung babae. Gumawa pa ng dump acc yung babae para dun sila mag-usap while sa main acc naman sila ng bf ko naguusap. Nagkaroon ulit ako ng access kasi iba yung feeling ko kaya nung tulog sya inopen ko sa phone ko yung acc nya ng hindi nya nalalaman, pagkaalis nya para pumunta sa ojt nya nagmessage agad sya dun sa babae at sinabing nasa office na sya, tinanong pa nya if miss na daw ba siya nung babae. Nagmessage na ako dun sa acc the moment na nakita ko yung bagong friend nya na yun sa fb acc nya. Ginising ko pa siya para tanungin sino yun, sabi nya nagbebenta ng pyesa pero may hinala na akong mali kasi may seller ba na walang friend at sya lang? Dump acc pero seller ng pyesa at doon pa niya balak bumili? No, i knew better than that. Nahuli ko siya, umiyak nanaman ako sa harap ng kuya nya. Subrang hindi ko na alam akong gagawin ko.
2026-08-23 15:58:12