@jcechevarria4: Agosto 22 "At lumabas ang isang dakilang tanda sa langit. Isang babaeng nararamtan ng araw. Ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. Sa kaniyang ulo ay may isang putong na may labindalawang bituin." Pahayag 12:1 Sa ika-22 ng Agosto, ginugunita ng Simbahan ang pagkokorona sa Mahal na Birheng Maria bilang Reyna ng Langit at Lupa. Matapos iniakyat ang Mahal na Birhen nang buong kaluluwa't katawan sa langit, hinirang ng Diyos ang Birheng Maria, Ina ni Hesus, bilang Reyna ng langit at lupa. Noong ika-11 ng Oktubre, 1954, nagkaroon ng pagsang-ayon ang Santo Papa Pio XII sa pagiging reyna ng Birheng Maria sa kanyang ensiklikang Ad Caeli Reginam. Inihayag niya ang kapistahang ito bilang unibersal na pagdiriwang ng Simbahan tuwing Agosto 22, na noo'y ipinagdiriwang tuwing Mayo 31 sa pagtatapos ng buwan ng Birheng Maria. Hango ang pagdiriwang at paggunita sa pagkokorona ng Mahal na Birhen sa Pahayag ng Bagong Tipan ng Bibliya. Isinama ang tagpong ito bilang ikalima sa mga misteryo ng Luwalhati ng Santo Rosaryo. #jcssp #Coronationofmary #AdIesumPerMariam #Eucharistia #coronaciondelavirgenmaria

ItsJust_Jc?
ItsJust_Jc?
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 22 August 2026 05:07:01 GMT
265
103
3
0

Music

Download

Comments

beverliepaculanan
beverliepaculanan :
Amen lord 🙏🙏🙏😭😭😭
2026-08-22 07:40:33
0
josephinegallo04
josie :
amen
2026-08-22 09:10:29
0
nialyn.maligon
Niñalyn Malig-on :
amen 🙏🙏🙏🙏
2026-08-22 08:08:03
0
To see more videos from user @jcechevarria4, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About