@mistydeles: May nag message sa akin at nagsend ng video… may isa na namang stray dog na pinapakain ko ang nasagasaan. 💔😭 Siya pa naman yung bagong panganak at may mga tuta pang kailangan niyang pasusuhin. Hindi ko pa nga napapagamot si Blacky, na unang nasagasaan, tapos may panibagong aksidente na naman. 😭💔 Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas at panggastos para matulungan silang lahat. Gusto ko silang tulungan, pero hindi ko kayang sagutin lahat nang mag-isa. 🥺 Please, kung may makakatulong sa kanya kahit kaunti, malaking bagay na po. Sana malampasan din niya ito. 🙏🏻🐾💔 #straydog #strayfeeding #dogsoftiktok #fyp #help