@hermandadmacarenaph: ๐‚๐Ž๐‘๐Ž๐๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐€ ๐„๐’๐๐„๐‘๐€๐๐™๐€ ๐Œ๐€๐‚๐€๐‘๐„๐๐€ ๐Ÿ‘‘ Tuwing 22 Agosto, ipinagdiriwang ng Simbahan ang ๐๐€๐†๐Š๐€๐‘๐„๐ˆ๐๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐•๐ˆ๐‘๐†๐„๐โ€”ang pagiging Reina ng Langit at Lupa. Sa teolohiya ng Simbahan, ang pagkilala kay Marรญa bilang Reina ay hindi paglalagay sa kanya sa lugar ni Cristo, kundi pagkilala sa kanyang natatanging pakikiisa sa paghahari ng kanyang Anak. Siya ang Ina ng Hari, na sa kanyang kababaang-loob at ganap na pagtugon sa kalooban ng Diyos ay naging huwaran ng pananampalataya at PAG-ASA. Kaya ang kanyang corona ay hindi lamang tanda ng karangalan, kundi paalala na ang tunay na paghahari ay nagmumula sa pag-ibig, paglilingkod, at pagsunod sa Diyos. Ang coronang ito ng La Macarena Filipina ay replica ng makasaysayang corona ng original na Virgen ng Macarena sa Sevilla, na dinisenyo ni Juan Manuel Rodrรญguez Ojeda (isang Espaรฑol na burdadero at diseรฑador na malaki ang naging ambag sa pagbabago ng estetika ng mga hermandad ng Semana Santa sa Sevilla noong unang bahagi ng ika-20 siglo, kabilang ang mga disenyo ng burda, manto, palio, saya, at tocado o pagaayos ng lace sa ulo ng mga imagen ng Virgen, na naging mahalagang bahagi ng pagbabago ng estilo ng religious art sa Espaรฑa), na ginawa noong 1913 ng Joyerรญa Reyes. Pinalamutian ito sa ilang pagkakataon, higit na kapansin-pansin noong 31 Mayo 1964 para sa kanyang CORONACIร“N CANร“NICA na iginawad ni Papa San Juan XXIII. Ang original na corona sa Sevilla ay yari sa 18-karat sterling gold, na may sgraffito engraving, mga mahalagang bato at esmalte. Ang estilo nito ay Imperial, tampok ang masigla at umaalon na mga sinag ng liwanag na hinaluan ng mga disenyong halaman, at pinutungan ng mga estrellas. Samantala, ang marcha ng ๐‚๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐‚๐ˆร“๐ ๐ƒ๐„ ๐‹๐€ ๐Œ๐€๐‚๐€๐‘๐„๐๐€ ay binuo ni Pedro Braรฑa noong 1964, at unang tinugtog sa parehong taon bilang bahagi ng nasabing coronaciรณn ng Virgen de la Esperanza Macarena. Ang mga ito ay nagpapakita ng malalim at pandaigdigang devociรณn sa Virgen de la ESPERANZA MACARENA, mula Sevilla hanggang Filipinas, na kung saan nais ng aming hermandad na masilayan ng mga Filipino ang rikit ng original na Virgen sa Espaรฑa at ang kanyang mga kagamitan sa pamamagitan ng ๐‹๐€ ๐Œ๐€๐‚๐€๐‘๐„๐๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€. ๐ŸŽต Musica: โ€œCoronaciรณn de la Macarenaโ€ โ€” El Carmen de Salteras ยฉ Lahat ng karapatan sa musica ay nakalaan sa may-akda/may-ari. Ibinahagi para sa layuning pangcultura at devocional lamang. #HermandadMacarenaPH #EsperanzaMacarena #EsperanzaNuestra #LaMacarenaFilipina #Coronaciรณn

HermandadMacarenaPH
HermandadMacarenaPH
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 22 August 2026 23:33:51 GMT
18134
1947
12
122

Music

Download

Comments

user47184866618833
user47184866618833 :
Hermosa, guapa
2026-08-25 23:53:41
0
sacred_scholar1234
Parish of the immaculate mary :
VIVA REINA ESPERANZA DE ISLAS FILIPINAS
2026-08-23 02:56:37
1
sean_zyrus
capt_zyy :
La Esperanza Macarena
2026-08-23 11:31:41
1
willi65821
willi65 :
un trozo del cielo ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ
2026-08-25 06:35:42
0
manuel.diaz5961
Manuel Diaz :
amรฉn
2026-08-25 13:29:20
0
loles1949
loles1949 :
preciosisimo
2026-08-24 13:49:07
0
adrian.caparros.l
Adrian Caparros llorente :
Preciosa
2026-08-25 11:53:56
0
juanmaria245
juanmaria245 :
guapa virgencita ruega por nosotros
2026-08-24 19:34:55
0
acarajotao
๐“„ :
Gastรกndose los billetes en esa maravilla pero las manitas desgastadas hasta la veta de la maderaโ€ฆ
2026-08-24 16:53:12
0
avshie
DheyzkieGarciaMacapinlac900633 :
๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™
2026-08-23 14:41:16
0
To see more videos from user @hermandadmacarenaph, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About