@gmanews: Dapat umanong ituloy ng Prosecution ang line of questioning nito sa testigo ukol sa "back documentation," o ang paglalabas ng mga dokumentong bilang suporta sa kanilang mga ginagawa matapos silang ma-audit. Nabanggit din ng abogado at dating IBP president Domingo Cayosa ang tungkol sa umano'y pagbibigay-diin ng Prosecution sa puntong "mukhang pinilit lang na palabasin na inubos" na pondo upang hindi maibalik sa national treasury. #VPonTrial #BreakingNewsPH #GMANews