J :
Pansin ko sa virgo, may officemate akong virgo btw. Weekly ko sya kausap dahil sa kanya din ako nag rereport ng insights ko weekly. Mas gusto nya yung derecho, ayaw paligoy ligoy. At detalyado sa numbers. Kunyari sinabi mo 10, kailangan naka breakdown kung ano2 yung 10 na yun. Haha! Kaya pag kausap ko sya talaga kailangan prepared ako lagi. Ang ayaw ko lang sa Virgo, walang sense of respect sa time. Like kahit restday ko mag message maghahanap ng ganito, ganyan. Dati ok lang kaya pinagbibigyan ko, aba nung tumatagal na kasi sumusobra naman. Kaya ginagawa ko na sa kanya kahit mag message sya, di ko talaga nirereplyan. Monday morning ako nagrereply pag oras na ng shift ko. At isa pa, gusto nya pag may kailangan sya bibigay mo kagad. Parang feeling urgent palagi yung kailangan. Gusto nya priority ko sya palagi, like talaga ba? Hindi lang ikaw kausap ko, maghintay ka naman. Hindi lahat nadadaan sa mabilisan at hindi laging ikaw uunahin. Haha! Pero sa totoo lang, kahit ganun sya, iniintindi ko na lang. madaming na misunderstood sya sa ugali nya, sakin naman kahit inis ako minsan, pinipili ko na lang intindihin. Kaya kahit papano nasasakyan ko naman ugali nya overall. Btw, Gemini ako tas sya Virgo. Lol
2026-08-26 11:41:23