@gmanews: SAAN GALING ANG MGA ALIAS? Tinanong ni Senator-Judge Erwin Tulfo si OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio kung sino ang nag-imbento at kung saan nanggaling ang mga kakaibang pangalan na nasa acknowledgement receipt na mga recipient ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ortonio, hindi niya masasagot kung imbento ang mga ito at hindi umano siya makakapagbigay ng impormasyon ukol sa mga resibo dahil wala siyang partisipasyon sa implementasyon ng mga confidential activity ng bise. #VPonTrial #BreakingNewsPH