@dti.philippines: Kapag nagpapagawa tayo ng appliances, sasakyan, o iba pang kagamitan, mahalagang makasiguro na kwalipikado at sumusunod sa mga itinakdang pamantayan ang repair shop. Kaya may Service and Repair Enterprise (SRE) Accreditation ang DTI para sa mga covered repair and service businesses. Layunin nitong makatulong na maprotektahan ang mga konsyumer at matiyak na maayos at naaayon sa pamantayan ang serbisyo ng mga accredited enterprises. Kasama si Tita Winnie Cordero, alamin kung bakit mahalaga ang SRE Accreditation bago ipagawa ang iyong sasakyan o appliance. Panoorin ang buong episode dito: https://youtu.be/FAHqgSf2vms?si=vY1IGfBttFqwP-Dr #DTIPhilippines #DTIBagongPilipinas #DTIKonsyumerAlert