dump ni cutieee :
Mhie, alam kong sobrang bigat siguro ng lahat ng nangyayari ngayon, lalo na kapag nakikita mong pati mga taong dati mong iniisip na susuporta sa’yo ay ikaw pa mismo ang binabash. Ang sakit makita na ang daming masasakit na salita na ibinabato sa’yo, lalo na kung alam mong hindi naman nila alam ang buong kwento o kung ano talaga ang pinagdaanan mo. Pero sana huwag mong hayaan na yung mga sinasabi nila ang magdikta kung ano ang tingin mo sa sarili mo.Hindi naman lahat ng sinasabi ng tao ay totoo. Minsan, kapag galit o disappointed ang mga tao, nakakapagsalita sila ng mga bagay na hindi na nila iniisip kung gaano kasakit para sa taong makakabasa. Pero tandaan mo, hindi nababawasan ang halaga mo dahil lang maraming taong hindi nakakaintindi sa’yo. Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa bawat taong may masasabi tungkol sa’yo.Alam kong madaling sabihin na “huwag mo silang pansinin,” pero alam naman nating hindi ganun kadali. Masakit pa rin. Nakakababa ng loob. Nakakapagod. Lalo na kapag paulit-ulit mong nakikita sa comments at posts. Kaya kung kailangan mong lumayo muna sa social media, gawin mo. Kung kailangan mong magpahinga, magpahinga ka. Hindi ibig sabihin nun na mahina ka. Tao ka lang na nasasaktan at napapagod din.Sana maalala mo rin yung mga taong nananatili sa tabi mo kahit magulo ang lahat. Hindi man kami kasing ingay ng mga nangba-bash sa’yo, nandito pa rin kami. Hindi dahil bulag kami sa pagkakamali mo, kundi dahil naniniwala kaming lahat ng tao ay may pagkakataong magkamali, matuto, magbago, at bumawi. Hindi naman kailangang maging perpekto para maging deserving ng understanding at respeto.
Please take care of yourself, mhie. Huwag mong ubusin ang sarili mo kakabasamasasakit na salita. Hindi mo kailangang sagutin lahat ng tao. Minsan, ang pinakamalakas na sagot ay yung pagpili mong manatiling kalmado at ipagpatuloy ang buhay mo. Darating din yung panahon na lilipas ang ingay na ‘yan.At kung ngayon sobrang bigat, sana tandaan mong hindi permanente ang sitwasyon na ‘to. May mga araw na mahirap, pero may mga araw ding magiging okay ulit. Huwag mong kalimutang may mga taong naniniwala sa’yo at nakikita pa rin ang mabuti sa’yo kahit maingay ang mundoKa
2026-08-27 11:18:43