@gmanews: PARA SA BAYAD? Nagkomento si Palace Press Officer Usec. Claire Castro sa paghahambing ni Senator-judge Robin Padilla sa paggamit ng alyas ng mga bayani noon at ng mga pumirma sa acknowledgment receipts na umano’y nakatanggap ng confidential funds. Ayon kay Castro, magkaiba ang sitwasyon dahil ang mga bayani noon ay nagtatago ng kanilang pagkakakilanlan para sa bayan, habang ang iba naman ngayon ay gumagamit umano ng alyas kaugnay ng pagtanggap ng bayad. #GMANews