@zatrodev: Paano mo malalaman kung ang link ay scam kahit hindi binubuksan ito? Simple: tingnan mo ang actual domain. Halimbawa: ncap.rjwu.icu/gov.ph Mukhang government link dahil may ncap at gov.ph. Pero hindi. Ang /gov.ph ay path lang. Ang ncap ay subdomain lang. Ang actual domain ay rjwu.icu. Kaya tandaan ito: Basahin ang domain mula RIGHT TO LEFT. Ganun din sa: ncap.gov.ph.scammer.com Kahit may gov.ph pa diyan, ang tunay na domain ay scammer.com pa rin. At huwag ding basta magtiwala dahil may HTTPS o padlock icon. Kahit scam website, puwedeng magkaroon niyan. Umaasa ang scammers na hindi mo hihimayin ang link. Kaya bago mag-click: - Hanapin ang tunay na domain. - Huwag magpaloko sa path. - At basahin from RIGHT to LEFT. Kapag alam mo ito, mas madali nang makita ang suspicious links bago mo pa sila buksan. #zatrodev #cybersecurity #scamawareness#scam#scammer#scammeralert #phishing#internetsafety #TechTips #digitalliteracy