@gma_publicaffairs: USEC. CASTRO, HINAMON SI REP. PULONG DUTERTE NA MAGLABAS NG DOKUMENTO SA DAVAO FLOOD CONTROL PROJECTS Hinamon ni Communications Usec. Claire Castro si #Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na maglabas ng mga dokumento kaugnay sa mga natapos na flood control project sa lungsod dahil hindi umano ito nakipagtulungan sa mga nakaraang imbestigasyon. Kasunod ito ng Facebook post ng mambabatas na nananawagan ng malawakang imbestigasyon sa Ombudsman habang iginigiit na mas malala ang baha sa Luzon kumpara sa Davao na tinawag umanong sentro ng mga kwestyonableng proyekto. #GMAPublicAffairs | 📹RTVM