@lishuyueee: ‎Maligayang Unang Kaarawan sa Langit, 'Nay. 🤍 ‎ ‎​'Nay, kaya pala dumadaan ka sa panaginip ko noong May, nagpapaalam ka na pala. Nalaman ko rin na hinahanap-hanap mo raw ako... kung alam mo lang sana 'Nay ang lahat ng pinagdaanan ko doon. Dalawang linggo na lang mula nung makauwi ako, bakit hindi mo man lang ako hinintay? ‎ ‎​Kung akala man ng iba ay nakalimutan na kita, akala lang nila 'yun. Bawat makakakita ako ng mag-lola, kayo agad ang naaalala ko. Lalo na tuwing Simbang Gabi, naalala ko pa kung paano mo ako gigisingin ng ala-tres ng umaga kahit ala-singko pa ang simula at walking distance lang naman ang simbahan mula sa atin. Ayaw na ayaw mo kasing nalalate tayo ‎ ‎​Labyuuu, 'Nay. Imissyou. 🕊️✨ ‎​ ‎​"Panginoon, ipinagkakatiwala ko po sa Inyo ang aking lola sa kanyang unang kaarawan diyan sa langit. Yakapin Niyo po siya para sa akin at iparamdam sa kanya ang labis ko siyang minamahal at namimiss. Bigyan Niyo rin po ako ng kapayapaan sa aking puso habang inaalala ang lahat ng aming magagandang alaala. Amen." #birthdayinheaven #lola #grandmother #fyp #healing

👸🏻李舒月💕
👸🏻李舒月💕
Open In TikTok:
Region: PH
Friday 28 August 2026 06:06:08 GMT
274
16
0
2

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @lishuyueee, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About