@gmanews: EMERGENCY DRILL O SWIMMING LESSON? Napahalakhak ang mga kasamahan ni YouScooper Janrei Justin P. Cantos nang tinakpan niya ang kaniyang ilong sa pag-slide sa inflated slide raft. Bakit kamo? Kasi emergency drill naman pala ito at hindi swimming lessons. Ayon kay YouScooper Janrel, nagpa-practice sila ng kanilang performance para sa emergency drill sa kanilang university. Kinailangan nilang mag-slide sa isang inflatable slide raft, pero hindi niya namalayan na tinakpan na pala niya ang kaniyang ilong habang nasa slide. Muscle memory na nga raw dahil kapag nag-i-slide siya sa swimming pool, sanay siyang magtakip ng ilong. Kaso ngayon, sa pag-slide ni Janrel, walang pool sa dulo. #YouScoop Courtesy: YouScooper Janrei Justin P. Cantos