@iwitnessgma: Sa Sitio Pakpak Lawin, hindi kalsada ang pangunahing daan patungo sa bayan, kundi ang ilog. Kaya tuwing tag-ulan, mas lumalaki at lumalakas ang agos nito. Kapag may pasyenteng kailangang ibaba, kailangang buhatin ang duyan o hilahin ang balsa habang nilulusong ang tubig. Minsan, basa na ang pasyente bago pa makarating sa kabilang pampang. Ganito ang hamon sa mga Mangyan sa nakatira sa malalayong bahagi ng Mindoro Oriental para lamang makakuha ng serbisyong medikal. Abangan ‘yan sa pinakabagong dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness: ‘Biyaheng Pakpak Lawin,’ ngayong Sabado, 10:15 PM sa GMA Network.