Jag :
Kung tatanungin mo ako kung sino yung pinagdasal kong makasama habang buhay, pangalan mo pa rin yung unang papasok sa isip ko. Hindi kita sinukuan nung wala tayong wala, hindi kita iniwan nung pagod at galit ka na sa mundo. Pinili kita sa lahat ng beses na pwede akong sumuko. Pero ngayon natutunan ko na yung pinakamahirap na klase ng pagmamahal — yung pagmamahal na marunong bumitaw. Masakit isipin na hindi tayo yung magkakatuluyan, masakit na ako pa mismo yung magtuturo sa sarili ko kung paano mabuhay nang wala ka. Pero mas masakit kung pipilitin kitang manatili sa isang bagay na hindi na nagpapaligaya sayo. Kaya ito na. Huling beses na to na iiyak kita dahil sa pagmamahal ko. Pagkatapos nito, pangako, hindi na kita guguluhin. Mahal na mahal kita. At dahil mahal kita, hahayaan kitang maging masaya... kahit hindi na ako yung kasama mo sa saya na yun. Mag-ingat ka palagi. Sana maging okay ka. At sana minsan, maalala mo na minsan, minahal ka ng isang taong buong-buo at walang pagod. Hindi ko alam kung paano magsisimula, kasi lahat ng salita parang kulang para ilarawan kung gaano kita kamahal. Salamat kasi naging tahanan kita. Salamat kasi naging pamilya mo ko, kahit saglit lang. Salamat kasi pinaranas mo sakin kung ano yung pakiramdam na mahalin at piliin. Hindi ko hinihingi na bumalik ka. Hindi ko hinihingi na ayusin natin. Ang hinihingi ko lang, sana bago ako tuluyang tumahimik, malaman mo na hindi nasayang lahat. Na totoo lahat ng luha ko. Totoo lahat ng pag-aalala ko. Totoo lahat ng "kamusta ka na" ko kahit pagod na ko. Kung hindi man tayo yung kwento na may "happily ever after", okay lang. Basta ikaw yung kwento na pinaka nagpaiyak, pinaka nagpasaya, at pinaka nagturo sakin kung paano magmahal ng tama. Ngayon, ibabalik ko na sayo yung kalayaan mo. Magiging tahimik na ko. Pero andito lang ako sa malayo, nagdarasal na sana maging masaya ka. Lagi. Mahal kita. Palagi. Kahit wala na.
2026-08-29 14:17:29