@jessgdy: Ayon sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991 at Republic Act No. 11768, may mga special eligibilities na maaaring ipagkaloob sa mga kwalipikadong Barangay at Sangguniang Kabataan Officials na nakatapos ng isang termino ng panunungkulan. Gayunman, hindi ito awtomatikong naibibigay. Kinakailangan pa ring matugunan ang mga kwalipikasyon at documentary requirements na itinakda ng Civil Service Commission. Sa ating Barangay 101, alamin natin kung ano ang ChisMYTH at kung ano ang FACT pagdating sa Civil Service Eligibility ng mga Barangay at SK Officials. Panoorin at maging isang Barangenius! #Barangay #SerbisyongMayPuso