@dwiz882am: Paano nga ba napupunta sa isang distrito ang bilyon-bilyong pondo para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH)? Ayon kay Gwen Latoza ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), isa sa mga lumitaw sa kanilang imbestigasyon ay ang paggamit ng DPWH ng tinatawag na "allocable formula" o "allocable system" noong panahon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan. Ito ay upang matukoy kung magkano ang pondong maaaring ilaan sa bawat distrito. Bukod dito, sinabi ni Latoza na batay sa kanilang mga panayam sa ilang kongresista, may posibilidad na mas malaki ang karagdagang pondo na nakukuha ng mga mambabatas na may leadership positions sa Kamara. Sa kanilang pagsusuri, lumitaw na kabilang sa may mataas na allocation ang distrito ni dating Speaker Martin Romualdez at ni House Majority Leader Sandro Marcos. #DPWH #floodcontrol #DWIZ #DWIZNews #DWIZ882AM

DWIZ 882 AM
DWIZ 882 AM
Open In TikTok:
Region: PH
Saturday 29 August 2026 02:46:36 GMT
131
0
0
0

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @dwiz882am, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About