@gmanews: Pagsubok para sa rescue team ang patuloy na malakas na pag-ulan sa San Marcelino sa Zambales ngayong araw, August 29. Naka-schedule pa rin ang search and rescue operation sa lumubog na bangka sa Mapanuepe lake kung saan anim na ang nasawi at tatlo pa ang nawawala. | via Ian Cruz/GMA News Nakataas ang red rainfall warning sa Zambales base sa 8 AM advisory ng PAGASA. #breakingnewsph #GMANews