@dwiz882am: Nangangamba ang mga netizen matapos makita ang umano’y viral video ni Ken Tsukamoto na nagpapakita ng biglaang pag-agos ng tubig mula sa Tulay ng Barangay Kalaklan, Olongapo City. Nagaganap ito sa gitna ng halos walang tigil na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Sa kuha ng video, makikitang may mga bitak na sa tulay tila ba anumang oras ay maaari itong mahati at mabiyak dahil sa lakas ng tubig na dumadaloy dito. Mahalagang ruta ang nasabing tulay dahil ito ang dinadaanan ng mga sasakyang galing Zambales at patungo naman sa Zambales. Dahil dito, labis ang pag-aalala ng mga lokal na residente at motorista, lalo na’t patuloy ang masamang panahon sa lugar. | via Jennifer Go (DWIZ Correspondent) #OLONGAPO #TULAY #DWIZ #DWIZNews #DWIZ882AM