Ken :
Sabi nga nila, para maging convincing ang isang lie, kailangan mong haluan ito ng kaunting truth.
Alam kong parang prank lang itong video, pero may truth sa sinabi ni John Lloyd tungkol sa mainstream media.. that they can have their own biases, opinions, and ways of presenting a story.
Kahit totoo ang isang bagay, depende pa rin kung paano ito ipapakita, anong details ang bibigyan ng emphasis, at anong information ang hindi isasama. And because of that, they can influence how people see an issue, what they believe, and even what side they choose.
Kaya oo, prank siya. Pero para sa akin, may point sa sinabi niya. Hindi ko alam kung scripted ba ito, pero feeling ko naiintindihan ni John Lloyd yung ugly side ng mainstream media..their power to shape how people see the truth.
And honestly, parang yun yung hindi nakita ng karamihan sa video.
2026-09-01 04:25:58