@johndavidmartin: ARAW-ARAW… LAHAT TAYO AY APEKTADO! LAHAT TAYO AY SAWANG-SAWA NA! Pagod sa paglilinis sa araw-araw dahil sa tubig. Hindi natin makita at magawa ang gusto nating kaayusan sa loob ng bahay dahil nakataas ang lahat ng mga gamit. Hindi tayo makakatulog nang puwestong komportable dahil katabi natin ang mga gamit sa higaan. Ang iba nga po sa atin, wala talagang matulugan. Hindi puwedeng pag-uwi galing sa trabaho ay deretsong pahinga dahil maglilinis pa tayo. Nasisira ang mga gamit at appliances na naipundar. Maraming lamok. Mabaho. ARAW-ARAW PO GANITO. Nakakapagod. Nakakasawa. At opo, LAHAT TAYO AY APEKTADO. Kaya sama-sama po tayong magbabantay at kikilos hanggang maisakatuparan ang ‘BAGONG IPINANGAKONG SOLUSYON SA HIGHTIDE/PAGBAHA’. Managot ang dapat managot! Ikulong ang mga buwaya! #floodcontrol #floodcontrolprojects #Hagonoy #Bulacan #Baha