@dwiz882am: “LAGPAS TUHOD NA BAHA” Binaha ang ilang lugar sa Barangay Malanday, Marikina City matapos sumampa sa 18.5 meters o 3rd alarm ang lebel ng tubig sa Marikina River. Nabatid na nagpatupad kagabi ng force evacuation ang Marikina City LGU dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog na nagdulot ng lagpas tuhod na pagbaha sa lugar. Kasabay ng pagtaas ng antas ng tubig ay ang paglabasan ng mga basurang inanod ng pagbaha. Sa ngayon, bumaba na sa 16.8 meters o second alarm ang antas ng tubig sa ilog Marikina. | via Geli Mendez (DWIZ Patrol) #MARIKINA #BAHA #DWIZ #DWIZNews #DWIZ882AM