@azrljhon_: Sa mga kababayan kong Kapampangan, sa mga nararanasan natin ngayon, sana huwag tayong magbulag-bulagan. Paulit-ulit na ang pagbaha, maraming pamilya ang naaapektuhan, at marami ang nawawalan ng kabuhayan. May mga flood-control projects naman, kaya karapatan nating magtanong kung maayos ba talaga ang mga ito at kung napupunta ba sa tamang proyekto ang pondong para sana sa proteksyon ng mga tao. Boto natin ‘to. Huwag nating sayangin. Dahil kung gusto nating magbago ang Pampanga, kailangan din nating maging mapanuri sa pagpili ng mga taong mamumuno sa atin. #pampanga