rahh :
mas priority pa rin talaga piliin ang career over love kasi isipin niyo, ang pagmamahal kasi nandiyan lang ’yan pwedeng dumating, pwedeng mawala, sometimes nagbabago pa depende sa sitwasyon o sa tao. pero yung pangarap mo, yung pinaghirapan mo, yung success at skills na nakuha mo para sa sarili mo? sa’yo ’yan forever, hinding-hindi ka iiwan o tatalikuran kahit anong mangyari. marami namang tao sa mundo, hindi lang ’yan isa, kaya hindi kawit isakripisyo yung buong kinabukasan mo para lang sa isang relasyon na hindi mo naman sigurado kung pang-habambuhay. tapos isipin niyo pa, kapag inuna mo ang sarili mo at naging stable ka na, mas magiging okay ka rin magmahal kasi buo ka na, hindi ka naghahanap ng dadagdag o magpapakumpleto sayo. at yung tamang tao para sayo? Hinding-hindi ka pipilitin mamili sa pagitan nila at ng mga pangarap mo, at sasamahan ka pa nila at susuportahan sa bawat hakbang para maabot nyo 'yan. mas pipiliin tumayo sa sariling paa at abutin yung mga gusto natin dahil sa huli, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na alam mong kaya mo at ginawa mo lahat para sa sarili mong career. love can wait, pero opportunities at pangarap? hindi laging nandiyan lang ’yan.
2026-09-08 03:47:16