@ylselanne_hva: It has already been almost a month of non-stop rain, Lord. 🥺🌧️ Nakakapagod na po. Habang araw-araw tayong nakatingin sa langit at hinihintay kung kailan titila ang ulan, marami namang Pilipino ang araw-araw ding naghihintay kung kailan titila ang paghihirap. May mga pamilyang nawawalan ng bahay. May mga magulang na hindi alam kung saan kukuha ng pangkain. May mga batang hindi makapasok sa school. May mga taong patuloy na nagtatrabaho kahit baha at ulan, dahil walang choice kundi lumaban. At habang ordinaryong Pilipino ang patuloy na nagsasakripisyo, ang ilan sa mga nasa kapangyarihan ay tila walang pakialam. Ang perang dapat sana’y para sa bayan, para sa flood control, para sa edukasyon, para sa kalusugan, saan napupunta? 😔 Lord, sana hindi lang ulan ang bumuhos sa Pilipinas. Sana bumuhos din ang hustisya. Sana manaig ang katotohanan. Sana magkaroon kami ng mga lider na tunay na naglilingkod, hindi ginagamit ang posisyon para sa sariling interes. Pagod na ang Pilipino. Pagod nang lumaban. Pagod nang umasa. Pero kahit pagod, umaasa pa rin. 🇵🇭❤️🩹 Kaya Lord, please… kahit isang liwanag lang. Sana dumating na ang araw na hindi na namin kailangang manalangin para lang makaligtas sa baha, kahirapan, at corruption. Sana dumating ang panahon na ang Pilipinas naman ang aangat. Hindi dahil sinuwerte tayo, kundi dahil sa wakas, may mga taong piniling gawin ang tama para sa bayan. 🙏🏻🇵🇭 Please, Lord. Tama na. Let the rain stop. Let the suffering end. And let our country finally heal. ❤️🩹 #prayforthephilippines #philippines
LESLY ANNE | RN | HVA 💜
Region: PH
Sunday 30 August 2026 08:01:20 GMT
Music
Download
Comments
LESLY ANNE | RN | HVA 💜 :
Nakakaiyak. I can’t even watch the news. Ako lang ba? Pero kahit wala ako sa sitwasyon ng mga Pilipino na nakakaranas ng baha at paghihirap ngayon e nakakaiyak? Lord, salamat kasi nabigyan ako ng mga magulang ko ng magandang buhay at bahay na masisilungan 🥺🥺🥺
2026-08-30 08:05:00
1
LESLY ANNE | RN | HVA 💜 :
Totoong kalamidad. Pero may magagawa sana kung di lang dahil sa mga pesteng corrupt officials na nagbulsa ng solusyon sana.
2026-08-30 09:00:04
0
To see more videos from user @ylselanne_hva, please go to the Tikwm
homepage.