@pinoyweekly: TINGNAN | Lubog sa baha mula kahapon, Ago. 29. ang mga maralitang komunidad sa Rodriguez, Rizal bunsod ng habagat at pagpasok ng bagyong Pilandok sa bansa. Apektado lahat ng 11 barangay sa munisipalidad, lalo ang mga relokasyon sa tabing-ilog tulad ng Kasiglahan Village sa Brgy. San Jose at Southville sa Brgy. San Isidro. Ayon sa mga residente, puno na ang mga evacuation sites at pansamantalang silungan kaya maraming stranded. Binatikos ng mga Montalbeño ang palpak na disaster response ng gobyerno at pagpapahintulot nito sa quarrying ng Sierra Madre na anila'y sanhi ng matinding pagbaha. Hiningi ng Pinoy Weekly sa lokal na pamahalaan ang bilang ng mga apektadong residente, subalit wala pa itong tugon sa ngayon. 🎥 Migrant OFW Advocates of the Philippines via Kat Catalan/Pinoy Weekly #montalban #montalbanrizal #baha #habagat #disasterresponse