@yxjei__: Ako ang unang madidismaya sa sarili ko Kung sakaling wala akong marating, dahil ipinagmamalaki na ako ng mga magulang ko sa pangarap na hanggang ngayon, patuloy ko pa ring hinahabol. At siguro, iyon ang pinakamabigat. hindi ang mabigo, kundi ang mabigong maging taong pinaniwalaan nilang kaya kong maging. Dahil sa bawat hakbang na ginagawa ko, hindi lamang sarili kong pangarap ang dala-dala ko— kasama ko ang mga paniniwala nila, ang mga sakripisyong hindi nila ipinagsumbat, at ang mga pangarap na unti-unti nilang ipinagkakatiwala sa akin. Idea/ Requested by: cy.lliex