@radyopilipinas1: May 33 ospital ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon na nag-activate ng fast lane o express lane para sa mga pasyenteng may leptospirosis. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, kabilang dito ang mga ospital sa Metro Manila, Region I, Region II, Region III at Cordillera Administrative Region (CAR). Kasabay nito, nagpapatupad ang DOH ng surge capacity management upang matiyak na sapat ang mga hospital bed at gamot para sa mga pasyenteng kailangang ma-admit, lalo na matapos ang pagtaas ng kaso kasunod ng pagbaha dahil sa Habagat. #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #ISM #IntegratedStateMedia