@lexalaw: KAYA PA BA? 7 NA SAMA NG PANAHON, AKTIBO SA KANLURANG PASIPIKO! ⛈ UPDATE: Lubhang napakaaktibo ng Kanlurang Pasipiko ngayon dahil maraming sama ng panahon ang aktibo at naghahatak sa #Habagat. (1) Bagyong '#PilandokPH': Hinahatak ang #Habagat at posibleng malusaw na rin sa MARTES dahil sa nabubuo pang ibang sama ng panahon sa paligid nito. Hindi ito inaasahang tatama sa bansa. (2) LPA 08k: Dating bagyong SAUDEL o #ObetPH. Hindi inaalis ang posibilidad na muli itong lumakas bilang bagyo at kumilos sa direksyon ng Taiwan at muling hatakin ang #Habagat. (3) LPA 08i: MATAAS ang tyansang maging bagyo sa susunod na 24 oras. Kumikilos ito pa-silangan hilagang silangan at posibleng lumapit o tumama sa Taiwan sa mga susunod na araw bilang mahinang bagyo. Ito ang kasalukuyang naghahatak ng na nagpapaulan sa malaking bahagi ng , , , , at . (4 at 5): BAGYONG may international name na BANG-LANG at ETAU: Sa malayong silangan ng Kanlurang Pasipiko. Inaasahang aangat sila at hindi inaasahang papasok sa PAR. Posibleng malusaw na rin ang mga ito sa mga susunod na araw. (6) LPA 08m: Isa pang sama ng panahon sa malayong silangan ng Guam na binabantayan kung magiging bagyo rin ba o hindi. Ayon sa ilang weather models, may posibilidad na lumapit ito sa PAR at maging ganap na bagyo sa mga susunod na araw, ngunit magbabago pa ang mga datos na ito dahil malayo pa. (7) Cloud Cluster na posibleng mabuo sa kaulapan ni 'PILANDOK': Ayon sa ilang weather models, posibleng mabuo ang isa pang sama ng panahon na nasa silangan ng bagyong 'Pilandok' at maging sariling bagyo sa mga susunod na araw. Binanggit rin ito ni Meteorologist Ariel Rojas sa kanyang weather report. Posible rin itong pumasok sa PAR at maging ganap na bagyo na muling magpapalakas sa . MAGBABAGO PA ANG MGA DATOS NA ITO, KAYA'T MANATILING UPDATED. 30 August 2026 | Source: DOST-PAGASA, Japan Meteorological Agency, US Joint Typhoon Warning Center (JTWC), Meteorologist Ariel Rojas, Weather Models (GFS, ECMWF, FNV3)
Lexa Law
Region: PH
Monday 31 August 2026 06:48:44 GMT
Music
Download
Comments
There are no more comments for this video.
To see more videos from user @lexalaw, please go to the Tikwm
homepage.