@staquiteria162163: 💨 HAZE, BUMABALOT SA ILANG BAHAGI NG LUZON AT VISAYAS DULOT NG FOREST FIRE SA INDONESIA 🔥 As of 6:00 PM, August 31, 2026, Monday HAZE ALERT: Ang usok mula sa nagpapatuloy na malawakang forest fires sa Kalimantan, Indonesia ay umabot na sa ilang bahagi ng #Luzon at #Visayas dahil sa presensya ng Habagat, base sa latest satellite image ngayong araw. Dahil dito, asahan ang HAZE sa mga nabanggit na lugar sa bansa: 🔴 MODERATE TO HEAVY HAZE • Occidental Mindoro • Oriental Mindoro • Palawan • Marinduque • Romblon 🟠 LIGHT TO MODERATE HAZE • Metro Manila • Bataan • Pampanga • Bulacan • Tarlac • Cavite • Laguna • Rizal • Batangas • Quezon • Camarines Norte • Camarines Sur • Catanduanes • Albay • Sorsogon • Masbate • Antique • Aklan • Capiz • Iloilo • Guimaras • Negros Occidental • Negros Oriental • Cebu • Bohol • Leyte • Biliran • Eastern Samar • Northern Samar • Samar Ang haze ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, at mga may sakit sa baga. Hanggang sa hindi pa humuhupa ang sunog, narito ang mga paalala sa lahat ng mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na lugar: • Manatili sa loob ng bahay at isara ang lahat ng bintana at pinto. • Magsuot ng face mask kung kailangang lumabas ng bahay. • Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas. • Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated. • Mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa malabong paningin sa kalsada (low visibility). • Agad magpatingin sa doktor kung nahihirapang huminga o sumasakit ang dibdib. Manatiling ligtas at alerto! Mag-antabay sa mga susunod na updates. Philippine Emergency Alerts Monitoring Center #HazeAlert #IndonesiaForestFire

BRGY. STA. QUITERIA
BRGY. STA. QUITERIA
Open In TikTok:
Region: PH
Monday 31 August 2026 15:33:10 GMT
5153
15
0
12

Music

Download

Comments

There are no more comments for this video.
To see more videos from user @staquiteria162163, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About