Repent and turn to God :
Bukas nalang ako hihingi ng tawad kay Lord,
Bukas nalang ako susunod kay Lord.
Bukas nalang ako magbabago.
Ipinangako niya po ba sayo na bukas mabubuhay kapa ?
Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon; huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya, sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti, at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa. - Ecclesiastico 5:7
Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos. Hebrews 3:15
At ito po ang tinig ng Diyos na Dapat nating Pakinggan.
Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit. - Mateo 4:17
Paano po tayo magbabalik Loob sa Panginoon?
1 JOHN 1:9
Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
Ngunit bago po tayo patawarin ng Panginoon sabi niya sa mateo 6:14-15
“Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit.
Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang inyong kapwa, hindi rin patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan.”
Kaya ang Sabi po sa Colossians 3:8 itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob.
Magbasa po kayo ng Bibliya ( new testament) kung ano ang mabasa, isagawa ito.
Palaging Manalangin sa Ama sa Pangalan ng Panginoong Hesus.
Wag mong balewalain ito Kapatid, sapagkat nakita ng Panginoon na nadinig mo na itong kanyang panawagan.
2026-09-03 11:19:49