@balitaphl: Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isa sa mga biktimang lulan ng sasakyang nahulog sa Tarlac River kasunod ng pagbagsak ng Agana Bridge noong gabi ng Sabado, Agosto 29. Batay sa ulat ng PCG nitong Martes, Setyembre 1, narekober ang bangkay sa katubigang sakop ng Brgy. Pugaro, Dagupan City, Pangasinan noong Lunes, Agosto 31. Anila pa, bandang 12:00 ng tanghali noong Agosto 31 nang matanggap ng Coast Guard Station Dagupan ang ulat ng lumulutang na katawan, na nakita ng isang motorbanca operator sa Brgy. Pugaro. Saad ng PCG, dinala ang bangkay sa Brgy. Poblacion Oeste bago nai-turnover sa Dagupan City Police Station 5, at dito ay kinumpirma ni Tarlac City Mayor Susan Yap na isa sa limang biktima ng pagbagsak ng Agana Bridge. Samantala, tiniyak ng PCG na nagpapatuloy ang search and rescue operation para sa tatlo pang biktimang nawawala. #Balita #PCG #AganaBridge @Manila Bulletin

Balita
Balita
Open In TikTok:
Region: PH
Tuesday 01 September 2026 06:30:02 GMT
20254
49
1
11

Music

Download

Comments

katiee.lxvz
Angel :
yung sa bayambang or dagupan po?
2026-09-01 14:28:13
0
To see more videos from user @balitaphl, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About