𝓬𝓮𝓵𝓪𝓳𝓮 :
Nagawa ng ex mo yun siguro kasi hindi ka na niya mahal or maaaring mahal ka pa niya pero mas lamang sa puso niya na maghiwalay na lang kayo kasi napagod na siya. Mali niya, nagcheat pa siya para lang makawala, and we don't tolerate cheating. Pero mas surprised kami na you have this side pala? I mean, how? Yung bagay na hinihiling sayo ng ex mo kaya mo pala gawin. Did you just also wait na mapagod siya for you to be able to do this with someone else? Parang katulad mo asawa ko, pero hindi parehong kasing laki ng kinikita mo. Hindi ako binibigyan ng oras, gift or what. Pero I'm still staying, kasi may mga anak kami. Hindi man siya mabuting asawa sakin, mabuti naman siyang ama sa mga anak namin. Ayun nga lang, habang tumatagal, lumalayo na loob ko. Nasasaktan kasi kami na nababalewala kaming mga babae. May mga bagay na hindi kayang tumbasan ng pera kahit na sabihin mong sobrang laki ng income mo. Kaya maraming misis ang nasa relasyon pa pero nagmomove on na. Pinipili nalang maging manhid at masanay. Minsan nagiging rason ng pagiging marupok ng mga babae, kaya kapag may nagpakita sa kanila ng affection, parang maiiyak pa yan kasi may mga tao naman palang kayang magbigay sa kanila nun pero kapag yung mister, bakit parang ang hirap? Anyway, that's just my two cents. Only sharing this para mabasa at maintindihan minsan ng mga iba kung ano nararamdaman ng mga babae.
2026-09-02 19:28:58