@abantenews: RESIDENTE: 'HANGGANG KAILAN PO GANITO, NA PARANG WALANG KATAPUSAN ANG BAHA?' FORMER OLONGAPO CITY MAYOR: 'HANGGANG BUHAY TAYO.' Viral ngayon online ang video ng dating Olongapo City Mayor Rolen Paulino Sr., ama ng incumbent Mayor Rolen Paulino Jr. at City Councilor Tata Paulino, kaugnay ng matinding pagbaha sa Barangay Sta. Rita na dulot ng Habagat. Sa video, tinanong ng isang residente kung hanggang kailan magpapatuloy ang pagbaha sa lugar. “Hanggang kailan po ganito ang Sta. Rita na parang walang katapusan ang baha?” tanong ng residente. “Hanggang buhay tayo... Kalikasan ’yan,” sagot naman ni Paulino Sr. Ayon kay Paulino Sr., patuloy na makakaranas ng pagbaha ang Olongapo dahil umano below sea level ang lungsod. Sinabi rin niyang nagpapatuloy ang paghuhukay sa mga ilog bilang bahagi ng mga hakbang laban sa pagbaha. Itinanggi naman niya na ang solar farm sa kabundukan ng Olongapo ang sanhi ng matinding pagbaha sa lungsod. Batay sa kaniyang Facebook Live, kuha ang naturang video sa pagbisita niya sa Sta. Rita noong Agosto 20. Bukas ang Abante News sa panig ni Paulino Sr. hinggil sa kumakalat na video at sa kaniyang mga pahayag. 📹: Kami ang Batang Gapo / Facebook
Abante News
Region: PH
Tuesday 01 September 2026 11:57:36 GMT
Music
Download
Comments
DEMIE MORE 👻 :
puro kau reklamo . tapos ayaw nyo naman bumuto ng tama ..
2026-09-01 14:45:31
657
Ricoto🔥🔥 :
kaya matuto na kayo tuwing election .. wag kayo masilaw sa 2k .. 😂😁
2026-09-01 12:08:58
639
Chan Hui :
Walang accountability si Mayor. Pilosopo na wala pang compassion. Parang kasalanan pa ng mga sinasakupan nya ang mga sinapit nila. Husay 👏👏👏
2026-09-01 14:19:52
299
Fixin en Mixin :
Iboto nyo ulit
2026-09-01 12:08:51
426
RAEL :
Tama ang sagot ni Sir. Kailangan straight forward ang sagot para mapaliwanagan ang nagtatanong. Matagal ng binabaha ang Olongapo City.
2026-09-02 17:30:42
2
bonsky_m :
grabe.. ganyan sumagot ang isang nasa gobyerno??? hindi para mag silbinat gumawa ng paraan...para lang ata kumurakot.. susme!!! gumawa ng paraan.. sya pa galit!!
2026-09-01 13:00:38
143
IIIIIIII :
plot twist bibigyan lang yan ng tig 500 iboboto ulet nila yan 😂
2026-09-01 14:24:24
83
DUDENG :
Bakit pabalang sumagot to politiko na yan .. akala ata hari sila sa lugar
2026-09-01 18:10:44
48
Marjune :
di naman mawawala baha, pero dapat mabilis humupa..
2026-09-01 13:53:59
40
Gled :
straight forward answer: choose right candidates in election
2026-09-01 12:12:06
84
Joshua Ryan :
reklamo gusto,bumuto ng Tama ayaw.
2026-09-01 20:00:59
40
Double Digits :
Ang solusyon dyan siguro baguhin nyo ang mga namumuno sa Olongapo City yung mas may concern sa tao at kalikasan. Kasi hanggat sila ang namumuno wala tayong makikitang pagbabago
2026-09-02 07:53:52
2
Forté :
Binoto niyo yung wala man lang plano. Tas ito na tayo. Sana matutu na tayo, Pilipinas.
2026-09-01 23:05:42
26
SSigmaAlphaLord123 :
giginhawa po ang buhay natin kapag si VP SARA na po ang pangulo dahil lahat tayo magiging milyonaryo na
2026-09-01 18:11:26
9
edmonderispe127 :
wag Kasi kayo magtapon Ng basura kung saan saan
2026-09-01 12:48:32
6
Kent Kho :
Olangapo, you deserve better.
2026-09-01 21:38:28
11
RÁÇH€££€ MÁ€V€🌻🏳️🌈 :
katawa mga tao jan binoto Nyu tlga Yan?🤣🤣 pede nman Kase tanggapin Pera
pero wag iboto 🤣🤣 bilis Kase mga maniwala sa mababango salita pag election eh😅🤣
2026-09-01 14:00:16
9
Galleria D'arte :
tactics na nila yan. daanin sa sindak. kudos sayo ate for being brave 🫡
2026-09-01 15:18:34
15
Photographer in Manila :
Ganyan nangyayari pag hawak ng isang pamilya ang isang lugar ng matagal na panahon.
2026-09-02 03:52:37
8
macky22 :
Yung baha sa Japan Oras lng tinatagal humuhupa na agad,,dito sa pilipinas Isang linggo Minsan isang buwan bago humupa ang baha, kalikasan ba problema o Wala talaga ginagawa ang gobyerno pa iayus ang mga flood control 😳😳
2026-09-02 08:57:28
7
mickeytolentino13 :
wag nyo na iboto yan mga yan
2026-09-02 11:00:09
2
Raudi nijuan :
Kulang sa pag iisip ng solusyon
pwede magconduct ng areal survey tapos kumuha ng magaling na urban planner or engineers na magaling sadya para gumawa ng plano para sa solusyon like redirection ng tubig
2026-09-03 13:11:16
0
🪬Mommytin🦋🧿 :
ganyan din sv ng nasa pinka taas😅kaya pti galamay ganun din
2026-09-01 22:57:10
1
Carlos :
Campaign - Sama sama tayo uunlad
Disaster - Kanya kanya na mag pray na lng kayo 🤣
2026-09-02 04:43:23
1
DarkDesign :
Nagalit hahaha
2026-09-02 01:20:14
1
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm
homepage.