@abantenews: Itinanggi ni Defense Panel Deputy Spokesperson Atty. Justin Nicol Gular ang obserbasyon ng ilan sa social media na strategy aniya ng defense team na gawing boring ang impeachment trial matapos na hindi mag-cross examination sa mga testigo noong nakaraang linggo at kahapon. Nilinaw ni Atty. Gular na hindi nila estratehiya kailanman na gawing boring o nakakabagot ang impeachment trial o sa kabilang banda gawing theatrical. Iginiit ni Atty. Gular na kailangan din nilang linawin na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho at kung ano man ang dalhin ng proseso sa isang partikular na araw, ginagawa lang nila ang kailangan gawin. Aniya, hindi nila iniisip kung dapat ngayong araw gawin boring ang trial at bukas gawin naman masaya. Naunawaan naman ni Atty. Gular ang sentimyento ng publiko na ituon ang kanilang atensyon sa pagdinig dahil ito ay mahalaga. Subalit ganoon naman aniya ang proseso. Minsan may mga araw na boring, minsan, mainit, na isang bahagi ng proseso. Nananawagan din si Atty. Gural sa publiko na makinig at obserbahan ang mga pagdinig, unawain hangga't maaari, at pakinggan din ang ibang mga legal luminaries na hindi saklaw ng subjudice rule para makabuo rin ng sarili nilang opinyon. | via Jojo Sicat, Abante News

Abante News
Abante News
Open In TikTok:
Region: PH
Wednesday 02 September 2026 00:13:38 GMT
1891
27
1
1

Music

Download

Comments

itz_mrckyyy
￴ ￴ ￴￴ ￴￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ ￴ :
first
2026-09-02 00:18:05
0
To see more videos from user @abantenews, please go to the Tikwm homepage.

Other Videos


About