:
@An$olucxs:Naaalala ko pa non, pag ganto ang panahon.
Sa buhos ng ulan, kami ay nagsisistalon,
Oo noon, masaya kami habang naliligo,
Sa ulan naglalaro, di alintana ang peligro.
Pero ngayon ay ‘di ko alam kung tayo pa ba ay matutuwa.
Sa mga nangyayari sa ngayon, konting ulan lang ay bumabaha.
May pag-asa pa ba, na matatanaw?
Kung mismong pinuno natin ay silaw.
Sa kasakiman ay nagpakasasa,
Pondo ng masa ay tinatamasa.
La ng pag-asa ang pinas, kung puro sakim ang nasa taas.
Nakakabanas at nakakagalit,
Kung di ka galit, tanong ko ay bakit?
Di pa ko tapos, pakinggang maigi,
Laman ng aking sinasabi.
Sa gantong sistema, di dapat mawili.
Sana makinig ng ‘di ka magsisi.
Hindi pa huli, para umaksyon.
Para sa sunod na henerasyon,
Maging matalino ka sa eleksyon!
Nang masugpo, na ang kurapsyon.
Ano ngayon, mulat kana ba?
Kundi parin, buksan ang mata.
Habang tayo, ay lubog sa baha,
Yung nasa taas sarap ng higa.
Nakakatanga kung ganyan parin,
Sa kabila ng mga suliranin.
Pinas magising! Wag ng magpiring!
Nang di makaulit, mga balimbeng!
MGA SAKIM!
2026-09-03 05:59:46