@gmapublicaffairs: “ABOGADONG WALANG ALAM” NA PAHAYAG NI TOLOSA, STRICKEN OFF THE RECORD Ini-strike mula sa record ang pahayag ni House Prosecution Counsel Atty. Jay Tolosa sa kanyang offer of testimony na “abogadong walang alam” si Defense Counsel Atty. Michael Poa kaugnay ng P112.5 milyon na confidential funds ng DepEd. Bago ito i-strike ni Presiding Officer Chiz Escudero, nagkaroon ng mainit na palitan ng komento sina Tolosa at Lead Defense Counsel Atty. Sheila Sison. Humingi naman ng paumanhin si Tolosa kay Poa at nilinaw na ang tinutukoy niya ay ang umano’y kawalan ng kaalaman ng abogado sa paggamit ng confidential funds ng DepEd. “If I offended you in any way, Sir, I am very sorry for that. That was not my intention,” paliwanag ni Tolosa. 📸: Senate | #GMAPublicAffairs #VPonTrial