@radyopilipinas1: PBBM SA MGA LGU: IPATUPAD ANG 'NO-BUILD ZONE' Sa Malacañang press briefing inihatid ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan na istriktong ipatupad ang 'no-build zone' sa mga lugar na lubhang mapanganib sa sakuna upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga Pilipino. Marami aniyang mga batas na hindi naipapatupad nang maayos dahil sa 'palakasan system' o korapsyon. Giit ng Pangulo, hindi na ito dapat nangyayari lalo na ngayong lumalala ang epekto ng climate change kaya kailangang ipatupad nang istrikto ang mga batas na magbibigay proteksyon sa publiko laban sa banta ng sakuna. Pinaaayos din ang waste collection system ng mga LGU at muling pinaaalala sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang hindi magbara ang mga daluyan ng tubig. | via PBS Digital Media #RadyoPilipinas #RadyoPubliko #IntegratedStateMedia #ISM