ziy :
her message to my bestie after she ghosted me: “This is what really happens Angela. Nung August 30 ata non, niloloko ko lang siya na kukunin ni mama cellphone ko, wala kasi akong maisip na rason para hindi muna siya kausapin kasi nung oras na yun gumagawa ako ng letters sa kanya, nanghihingi ako ng sorry dahil naging busy ako kasi nga nag re-review ako, bumili pa ako ng Chuckie na malaki non. then nung nag Cr ako nakita ni tito yung sulat ko sa kanya, nasa bed ko lang pero naka baligtad, binasa lahat ni tito yung mga sinulat ko doon and nalaman niyang nag kikita kami ng gabi, then nagalit siya, pinalayas niya ako sa bahay non, hindi ako pwede kila mommy, duon nila ako dinala sa pnu na may kakilala siyang nag b-boarding ng bahay, as in wlaa akong ka pera² noon, yung pera na natira ko kasi pinambili ko ng materyales and Chuckie para kay analie. Uniform lang dala ko non sa boarding house, walang kumot, unan, plato, suklay, toothbrush, as in uniform at gamit ko lang sa school. Then Monday na nun first day of September, last day ng August sa may boarding ako natulog, andaming lamok tapus ang lamig pa. Pinanligo ko walang sabon at shampoo manlang, na ligo lang ako ng tubig non then nag lakad ako papuntang school. Breakfast wlaa, tanghalian wla, gabihan wala din, 2 days na hindi kumain and nalalakad maka pasok lang, wla naman akong mahanap na trabaho and ayaw ko mag absent kasi new topics na kami noon. Then nung pangatlong araw na, nasa room ako non nahihilo na ako, then yung mga classmates ko nakita nilang dumudugo ilong ko then pinalibutan nila ako, nahirapan ako humimga noon kaya nahimatay ako, then pag gising ko nasa paguila hospital na ako, nilalagnat. 3 days ako sa hospital non, si lola ko ang nag bantay sa akin, tapus pagbalik ko dto sa bahay, galit na galit si lola ko kay mama and kay tito, kukunin sana ako ni lola kaso ayaw ni tito. Nung gabi na yung for the first time nag sorry sila mama at tito sa akin, para daw sa akin yung ginawa nila, dinidisiplina lang daw nila ako.Tinanggap ko nalang kahit ang sakit sa pakiramdam na kaya nilang gawin sa akin yun. Tangina beh, kung hindi pa ako nahimatay,siguro until now nandun padin ako sa hell na boarding house na yon”
2026-09-12 17:25:27