@ptvphilippines: #UlatOnTheSpot: Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. #PBBM ang #AquinoBridge at #AganaBridge sa #TarlacCity ngayong Miyerkoles, Sept. 2. Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. ang pagpapabilis sa pagsasaayos ng mga naturang tulay, kabilang na ang paglalagay ng Bailey bridge sa Agana Bridge upang makadaan ang pedestrian sa loob ng isang linggo. Sisikapin din aniya ng pamahalaan na makadadaan ang light vehicles, partikular ang mga may bigat na 10 tonelada pababa sa loob ng dalawang linggo. Kasunod nito, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na magbibigay ang national government ng P300 million sa lokal na pamahalaan para sa pagsasaayos ng dalawang tulay. | via Kenneth Paciente