@gmanews: Umaasa si Sen. Robin Padilla na maayos na ang problema sa baha, gaya sa ilang bahagi ng Central Luzon. Ikinuwento niya ang hirap ng kaniyang pitong oras na biyahe mula Pangasinan hanggang San Simon, Pampanga, bago bumiyahe nang ilang oras pa patungong Maynila. Samantala, sinabi ni Padilla na handa rin siya sakaling umabot ng buong araw ang impeachment trial. Inanunsiyo ni Presiding Officer Chiz Escudero ang pagbabago sa schedule sa October at November para sa deliberasyon ng 2027 national budget. | via Ian Cruz/GMA News #GMANews