@misschaiofficial: Baka may mga damit siyang hindi binili dahil mas kailangan mo ng bagong sapatos. May mga pagkain siyang gustong kainin pero sinabi niyang, “Busog pa ako,” para sa’yo na lang ang huling piraso. May mga pangarap siyang ipinagpaliban, mga lakad na hindi pinuntahan, mga gabing pagod na pagod na siya pero bumangon pa rin dahil may anak na nangangailangan sa kanya. At habang lumalaki tayo, madaling makita ang mga bagay na hindi nila naibigay. Bakit hindi siya naging mas patient? Bakit hindi niya ako mas naintindihan? Bakit hindi niya nagawa ito para sa akin? Valid naman na may mga pagkakataong nasaktan tayo. Ang pagiging nanay ay hindi nangangahulugang hindi na siya maaaring magkamali. Hindi rin kailangang burahin ang sakit natin para lang kilalanin ang sakripisyo niya. Pero habang tumatanda tayo, may isa tayong bagay na unti-unting naiintindihan: Nanay was also a person before she became our mother. May mga takot din siya. May mga pangarap. May mga pagkakataong hindi rin niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. She was raising a child while carrying her own problems, healing from things we may never know about, and figuring out life at the same time. At maraming nanay ang sobrang nasanay na unahin ang lahat, hanggang dumating sa puntong hindi na nila maalala kung kailan nila huling tinanong ang sarili nila: “Ako naman, okay pa ba ako?” Kaya minsan, bago natin bilangin ang mga pagkakataong nagkulang sila sa atin, bilangin din natin ang mga pagkakataong sila ang piniling mawalan para tayo ang magkaroon. Hindi man naging perfect ang nanay mo, baka marami sa mga bagay na meron ka ngayon ay bunga ng mga bagay na tahimik niyang isinuko noon. And perhaps one of the most beautiful things we can do when we finally grow up is this: See our mothers not only as “Mama,” but as women, too. Mga babaeng napagod. Nasaktan. Nangarap. Nagkamali. Nagsakripisyo. At sa maraming pagkakataon, minahal tayo sa paraan na sila naman ang nauubos. ❤️ #misschai
Miss Chai
Region: PH
Thursday 03 September 2026 02:33:00 GMT
Music
Download
Comments
Acell Ong46 :
hindi lahat ng nanay mapagmahal at mapagbigay, yung iba hindi kabaligtaran.. pinili ko lang maging mabuting ina.. at magpaka ina sa mga anak ko.. kasi yung ina kong tunay malayonG malayo siya sa katangian ko...
2026-09-03 04:20:21
86
아름 :
But please be financially ready bago mag-anak. Di nila kasalanan ang isilang na may buhay na puno ng kakulangan.
2026-09-03 03:57:46
140
PANCIT :
Hindi din naman kasalanan ng anak na isilang at bigyan ng buhay na puno ng pagkukulang. Pinili ng nanay maging nanay dahil may choice sila. Pero ang mga anak walang choice buhayin man sila o hindi. Mahalin man sila o hindi. Busugin man o gutumin.
2026-09-03 08:54:42
25
dy.rose 🌹 :
Procreate responsibly. In the same vein, practice gratefulness. Life never goes the way you plan it to go, lalo nasa Pilipinas tayo. Extending grace to one another can do so much good to relationships (note: MUTUAL GRACE)
2026-09-03 05:30:25
0
R-bieh30 :
great 😊 very well said😥
2026-09-03 10:46:29
0
aaalexxx.ab :
Not all mom worth to be a mom, sorry.
2026-09-03 10:57:45
0
achia :
wait God this made me cry ohhh my mascara
2026-09-03 11:04:15
0
ZPHqto :
No matter what, my mother is on my top priority🥺. I have all the reason🥰
2026-09-03 05:09:25
1
Jacque_fithere :
Kapag nagkulang at naging irresponsible ang magulang,desisyon niya yon. Pagkakamali niya yon. Pero sa kasamaang palad, mga anak ang sumasalo sa mga di magandang desisyon.
Huwag maganak at magkapamilyaa kapag di kaya maging responsableng magulang.
2026-09-03 04:24:11
33
Martin Riggs :
permission to repost po
2026-09-03 09:29:30
1
Irene :
puro kabataan ngayon ang nasa comment section, kaya yung iba mga baluktot ang katwiran. malalaman nyo yang sinasabi nyo, kapag naging magulang kayo.
2026-09-03 05:24:41
8
tocmo :
bakit kasalanan ba namin
2026-09-03 05:19:12
2
Team Pete Forever :
lahat nagets ko na ma 🥺 love kita lam mo yan .. pag may buhay ulit sa ibang dimensyun sana kaw ulit nanay ko ,,
2026-09-03 09:32:33
6
Syk :
Depende kasi yan kung pano ka e trato ng nanay mo
2026-09-03 09:12:15
3
Aquarian1320 :
❤️❤️❤️Mothers unconditional love ❤️❤️❤️
2026-09-03 03:54:12
4
Dann 🤍🖤🩶 :
totoo to kahit ano yung laki ng sakripisyo mo sa anak mo . ending kapag nag ka edad sila ... kulang pa din sa knila .. 8 years na single mom.. pero nag 13 na sya . tatay na wlang ambag sa Buhay nya Ang mas mabango para sa knya . na wlang sinustento sa loob ng 8yrs... .. sakit lang din isipin lahat lahat. pero wla eh ..that's the reality..
2026-09-03 08:54:20
2
itsme Marimar | WorkingMomLife :
Hala ! As Someone na malayo ang Loob sa Parents kasi nga halos sa Lolot lola kami lumaki. Ang dami kong na Realized sa Post na to. Sobrang ngng Maka Sarili ako 😭😭😭. Eto na siguro yung binigay na Sign ni Lord na kailangan nang i Let Go lahat ng masasamang Past . Ngayon ko na Realized na kung gaano ko tlga kamahal Mama ko /Parents ko. Though oks naman relationship namin pero merong bakod ba. I feel Sorry sa mga Years na puro sama ng loob or tampo yung nasa puso ko 😭😭
2026-09-03 04:14:10
6
ann :
pasalamat aq SA nanay KO dahil xa ang naging inspirasyon KO ngaun bilang nanay ,,,Mahal Kita nay❤️❤️❤️
2026-09-03 09:26:14
1
zafhra :
kahit mahirap kami ,di man nabigay ng parents ko ang magnadang buhay ,hangang lumaki kami never kaming nag ask saknila anything,di kami nanumbat ng pagkukulang nila sa material ,kasi pinalaki kami na mabuting tao dun palang malaking pamana na samin ng magulang nmin yun,pinalaki kami na sama sama kumain sa mesa 5 kaming anak di mag start kumain once kulang ang isa,sila lang gusto nmin magulang wala ng iba,
2026-09-03 08:21:38
2
Ayan :
pano kaming mga iniwan without explanation? 💔
2026-09-03 09:51:27
1
❤️🇵🇭❤️Nina❤️🇰🇼 :
Ako never Kong sinisi ang nanay KO dahil Kung wala C mama wala din Ako Ngayon Sa katayuan KO khit Hindi KO nkasama C mama dhil mas pinili niya n bigyan Ako Ng magandang kinabukasan Kaya Mahal na Mahal KO Si mama habang buhay utang KO buhay KO Kay mama.
2026-09-03 09:35:24
1
Jxnaaqt :
bakit po ako grabe ginawa mama ko😭
2026-09-03 09:36:48
1
annaros63 :
my kulang man o wla ang isang nanay s paningin ng mga anak. isa lang ang alam ko. ang mga nanay ibinibigay ang lahat ng alam nyang merun sya para sa mga anak.
2026-09-03 09:27:53
1
chabiiiii :
bakit naiiyak ako?bnigay ko lht s mga anak at asawa ko,kht ubos n ubos n ako,pro pra sknla,kulang pa😭
2026-09-03 08:46:33
1
asl. :
As an OFW mom na wala halos natitira sa sahod,i don't want my children to think that way..ayokong maguilty sila,kasi responsibilidad ko sila. Gusto ko lumaki silang alam nilang nagsakripisyo si mama kasi gusto nya gumanda ang future namin,gusto kong ang maging worry lang nila is ang hindi magbunga ang sakripisyo ko. Gusto kong magcrave sila sa success. I will do my best na wag nila daanan lahat ng dinaanan ko,even if it means sacrificing a "new clothes" "cravings" etc. Guide me Lord❤️
2026-09-03 05:38:29
3
To see more videos from user @misschaiofficial, please go to the Tikwm
homepage.