ashie :
Wala akong karapatang magalit sa’yo, Ashley, kasi siguro nga we both still need time to grow, to understand things, and to figure ourselves out. Maybe hindi pa talaga natin time ngayon, and maybe kailangan muna nating dumaan sa mga bagay na ’to separately. Pero naniniwala pa rin ako na if we’re really meant to find our way back to each other, when the right time comes, mahahanap at mahahanap pa rin natin ang isa’t isa.
And this time, I won’t question my worth anymore, kasi alam ko sa sarili ko na I gave you all the love, care, and understanding na kaya kong ibigay. I know I was genuine with you, and that’s enough for me. Yung pagmamahal na pinaramdam ko sa’yo, tunay ’yon. Hindi siya laro or trip lang, kahit wala tayong proper label or proper ending.
Sana mahanap mo yung peace na hinahanap mo, and sana maging okay ka kahit hindi na ako yung kasama mo. Sana rin lahat ng pagmamahal na pinaramdam mo sa’kin noon was real, kasi gusto ko pa ring maniwala na naging totoo tayo kahit for a while. Sana kailangan mo lang talaga ng time and pahinga, at hindi dahil may iba ka na. But whatever the truth is, I’ll learn to accept it. Mahal pa rin kita, pero I’m slowly learning na sometimes, loving someone means letting them find their peace, habang hinahanap ko rin yung peace ko without you.^^
2026-09-09 15:51:13