@agendapilipinas: Sa gitna ng baha, may eksenang parehong nakakakaba at nakakaaliw na nahagip ng camera. Makikita ang isang aso na hirap na hirap makasampa sa tila e-tricycle kung saan naghihintay na rin ang ibang mga aso na mailigtas. Nang tila hindi na nito kayanin, isang kapwa aso ang biglang tumulong para makaakyat ito—bago nauwi sa isang nakakatawang eksena ang kanilang munting “rescue operation. ”Pero sa likod ng viral at funny moment, seryoso ang problemang ipinapaalala nito: tuwing malakas ang ulan at pagbaha, hindi lamang tao kundi maging mga alagang hayop ang kailangang makahanap agad ng ligtas na lugar.Kasabay nito, ina-update ng Department of Public Works and Highways ang flood control master plans para sa 18 major river basins at iba pang critical rivers sa bansa. Ayon sa Malacañang, 16 major basins na ang may updated master plans at feasibility studies as of May 31, habang target matapos bago matapos ang 2026 ang para sa Cagayan at Pasig-Marikina-Laguna de Bay river basins. Sa Metro Manila naman, isinusulong ng MMDA ang “Sponge City” initiative gamit ang catchment at nature-based solutions na pansamantalang sasalo at mag-iimbak ng tubig-ulan bago nito ma-overwhelm ang drainage systems at waterways. May 39 proposed sites na pinag-aralan, habang limang proyekto ang prayoridad para sa posibleng funding.Hindi man nangangahulugan ang mga proyekto ng isang ganap na “flood-free” Metro Manila, layunin nitong mabawasan ang tindi at epekto ng pagbaha sa mga kritikal na lugar. Cute at nakakatawa man ang bayanihan ng mga aso sa viral video, malinaw ang mas malaking mensahe: sa panahon ng baha, mas mabuti pa ring may maayos na sistemang sasalo sa tubig kaysa tao—at aso—ang laging naghahanap ng masasampahan. #AgendaPilipinas
Agenda Pilipinas
Region: PH
Thursday 03 September 2026 10:00:00 GMT
Music
Download
Comments
ʋiello Lεin :
Anytime could be his last moment. He ain't letting that chance slip.
2026-09-04 04:31:23
0
Niña Erandio :
kaya ayoko ng may natulong sakin kasi ganyan ang kapalit😭
2026-09-03 22:28:31
3978
user5554308639176 :
may hidden agenda pala🤣
2026-09-04 04:27:32
0
G A M B I T :
tumulong ng may hinintay na kapalit 😂😂😂
2026-09-03 21:55:51
2049
Its_eieeiio :
Bumalik loha ko
2026-09-03 22:22:13
810
mikiiii :
binawi ko heart react ko
2026-09-04 00:01:37
1212
solana :
cancel ang heart react sorry😔
2026-09-04 02:01:54
187
Hazel :
mga lalaki nga naman😅
2026-09-04 02:14:31
47
Bwa Bwahh :
2026-09-04 00:06:52
224
Done Tea :
ASSOciation
2026-09-04 04:21:26
0
ILao :
Kaya mga girls! Huwag agad tumanggap ng 2long dahil may iilan may mga binabalak 😳
2026-09-03 21:56:27
157
HAZEᥫ᭡ :
aso1🐶: Halika dito safe dito
aso2 🐶:Salamat ang bait mo naman
aso1🐶: walang Libre dito no lahat may bayad.
2026-09-04 00:31:25
101
anglcjns_ :
HAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA 😭
2026-09-04 01:54:26
21
🦅ms.aisha🦚 :
maluluha na sana ako kaso umurong bigla 🤣🤣🤣bakit naman my pa ganun pa silang nalalaman sa gitna ng unos nararanasan nila haha kailangan parin tlga isingit ang mga ganun bagay wahahaha😁😁😁
2026-09-04 02:20:52
17
A :
HMMMMM🙁🙁🙁🙏🏻
2026-09-04 04:25:24
0
ALnor :
ANO NA LENI -BBM?
2026-09-04 02:12:42
5
lee kim :
d lahat ng tulong ay sincere
2026-09-03 23:04:34
69
Jayson Toriaga Laurente :
paiyak na ko eh kaso nunq paqsampa tiniranagad😂😂😂
2026-09-04 00:43:06
8
pearlatte.x :
binawi ko heart ko
2026-09-04 02:43:42
16
JM :
paiyak na ako E. hay nako
2026-09-04 00:26:56
11
thimotheA❤️❤️ :
Magbbgay daw ng bgas ung kapit bahay naming lalaki nag dalawang isip toloy ako kung kknin ko😭
2026-09-03 23:57:34
85
Cիìeヅ :
dog abuse 😭😂
2026-09-03 21:17:47
10
mylenelualhati :
Kaso may kapalit hahahhaha... Aso be like... Ano ganon ganon nlng yun hahhahaha bayad ka oiii...hahhahaha😂😂😂
2026-09-03 23:45:25
21
To see more videos from user @agendapilipinas, please go to the Tikwm
homepage.