Ehh :
Pa-rant lang po. Nalulungkot ako kasi nag-pinning and capping kami kahapon, tapos ako lang yung walang natanggap na flowers. Bibili sana ako para sa sarili ko, pero sabi ni Tita, Pagka-graduate mo na lang. Tapos kumain kami sa labas for lunch, pero I still feel so sad. I don’t feel special. Hindi rin kami nakipagkita ng boyfriend ko, and hindi niya rin ako niregaluhan ng flowers. Dapat ba akong magtampo? Pero at the same time, siya naman yung nagbayad ng kalahati ng clinical uniform ko at binibigyan niya rin ako ng allowance. Kaya napapaisip ako, napaka-ungrateful ko ba? Wala ba akong karapatang maging malungkot? Plus, sabi niya, Sayang kung makakapunta ako, bibilhan sana kita. Kaya naisip ko, kung hindi siya makakapunta, ibig sabihin hindi mo na rin ako bibilhan? Ako pa yung nagsabi na bilhan mo ako ng flowers. Gusto ko lang naman maramdaman na special ako, lalo na sa ganitong importanteng araw, pero wala pa rin akong natanggap. Hindi rin siya nakapunta dahil may pasok siya, at naiintindihan ko naman ’yon. Hindi ko naman hinihiling yung sobrang laki o bonggang bouquet. Kahit yung tig-iisang daan lang na flowers na binebenta sa gilid-gilid o letter lang, okay na sa akin. Hindi naman yung presyo yung importante. Gusto ko lang yung thought na may nag-effort at nagsabing, Para sa’yo ’to. Proud ako sa’yo. Gusto ko lang naman sana maging special yung araw na ’yon. Kahit simpleng Proud ako sa’yo lang, gusto ko lang marinig at maramdaman na proud sila sa akin. Tapos wala pa akong maayos na picture. letche ewan. Sobrang lungkot ko talaga. Naiinggit ako sa mga kaklase ko na kasama nila yung pamilya nila, tapos inaayusan sila at may flowers sila para sa kanila. Parang proud na proud sila sa anak nila. Gusto ko rin sanang maranasan ’yon. Gusto ko rin maramdaman na may taong sobrang proud sa akin at gustong i-celebrate yung achievement ko. Pero wala e 😢😢
2026-09-04 02:28:32