@tucp_partylist: HOY DOLE! GAWIN NIYO ANG TRABAHO NIYO! EPEKTIBO NA ANG DAGDAG-SAHOD! WALANG PUMIPIGIL sa PAGPAPATUPAD ng ₱60 WAGE HIKE! Ayon mismo yan sa motion for reconsideration na inihain mismo ni DOLE Secretary Francis Tolentino noong August 17 upang TUTULAN ang application ng R-II Builders at Readycon para sa INJUNCTION na pinagbigyan ni Pasig RTC Branch 152 Judge Marie Joyce P. Manongsong. Mismong OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL (OSG) na ABOGADO ng GOBYERNO ang nangatwiran na, alinsunod sa RULES OF COURT, WALANG UMIIRAL na INJUNCTION dahil WALANG NAILAGAK na ₱10 BILLION PESOS na BOND! Kung ang posisyon mismo ng DOLE at OSG ay WALANG BISA ang PAGPIGIL sa pagpapatupad ng WAGE HIKE, DAPAT MAGLABAS ng bagong DEPARTMENT ORDER o ANNOUNCEMENT man lang para ipatupad ang NCR Wage Order No. 27! DAPAT nang HABULIN at SINGILIN ng DOLE at ng bawat manggagawa at ordinaryong Pilipino ang lahat ng mga employer, kumpanya, at mga boss sa trabaho na AYAW MAGBAYAD ng UMENTO! #Sahod #Suspended #Manggagawa #fyp #viral